Menu
Philippine Standard Time:
ASEAN Month Celebration

Ipinagdiwang ng ating paaralan ang Buwan ng ASEAN na may makabuluhang aktibidad at makukulay na pagtatanghal na tunay na nagpakita ng pagkakaisa at kultura ng bawat bansang kasapi.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa ating School Principal, Mrs. Jennifer R. Delos Santos, sa ating PSDS, Dr. Ma. Dolora M. Zaragoza, na naging bahagi ng ribbon cutting ceremony, at sa ating AP Coordinator, Mrs. Marichu M. Contreras sa pangunguna at pagsisikap upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito.

Isang taos-pusong pasasalamat din sa lahat ng guro, mag-aaral, at higit sa lahat sa ating mga magigiting na magulang na buong pusong naglaan ng oras at pagod upang maisagawa ang makukulay at malikhaing booth para sa ating ASEAN Mini Exhibit. Ang inyong suporta at dedikasyon ang naging susi sa tagumpay ng ating selebrasyon. 🙌

Sama-sama nating itaguyod ang ‘Inklusibidad at Kalikasan’ tungo sa mas masaya at sustenableng kinabukasan!